KOMUNIKASYON
Liham Pangangalakal
Ang liham- pangangalakal ay isinusulat kung umo-order ng mga bagay na gagamitin o ititinda, humihingi ng tulong, nag- aaplay ng trabaho, o nagtatanong.
Mga Bahagi ng Liham Pangangalakal:
1. Pamuhatan - Ito ay naglalaman ng pangalan at address ng sumulat.
2. Patutunguhan - Ito ang pangalan at address ng tatanggap ng sulat.
3. Bating Panimula - Ito ay ang magalang na pagbati na maaring pinangungunahan ng "Ginang", "Ginong", "Mahal na Ginoo", etc..
4. Katawan ng liham - Ito ang katawan ng liham o yung mismong nilalaman ng sulat.
5. Bating Pangwakas - Ito ay ang bating pangwakas na maaring naglalaman ng "Sumasaiyo", "Hanggang sa muli", etc...
6. Lagda - Ito ang buong pangalan ng sumulat
Halimbawa ng Liham Pangangalakal (Block Style):
Setyembre 19, 2017
#17 San Luis Extention,
Purok 20, Baguio City
Gng. Myrna C. Esperanzate
Punong Guro
#46
Bokawkan Road Baguio, Benguet 2600
Mahal naming
punong guro,
Isa po ako sa inyong mga estudyante
mula sa ika-11 na baiting. Ako po ay napasulat sa inyo upang mabigyang pansin
ang aking kahilingan. Napapansin ko po kasi ang madalas na paglabas ng paaralan
ng aking mga kaklase tuwing tanghalian upang kumain. Hindi po kasi nila minsan
ibig kumain sa ating canteen dahil sa
mga puro gulay na nahahain kaya mas pinipili nila ang pagkain sa labas. Vegetarian po ang ating canteen kaya nauumay na rin sila sa
gulay at naghahanap ng karne.
Dahil sa labis na kagustuhan nila,
napapadalas din ang pagiging huli nila sa klase ng hapon. Nais ko pong hingiin
ang inyong tulong upang magkaroon tayo ng karne sa ating canteen kahit
paminsan-minsan lamang. Maaari naman po tayong magkaroon kung anong araw tayo
magkakarne at maggugulay para di parin mawala ang vegetarian menu natin. Ito po ang aking kahilingan upang din a
kailanganin ng aking mga kaklase’t kamag-aral ng lumabas ng paaralan para
kumain. Ngunit kung ano man po ang inyong tugon o desisyon, malugod ko pong tatanggapin.
Maraming salamat po.
Lubos na
gumagalang,
EuniceCalangan
Eunice
Calangan
No comments:
Post a Comment